Hiyas Ng Bulakan

Layunin

Tahanan
Tungkol sa Amin
Makipag-Alam
Anong Bago!
Sumama na kayo
Pangasiwaan at Kaanib
Layunin
Ugnayan
Talaarawan ng Pangyayari

Napakagandang pakinggan ang dalisay na wikang Tagalog. Tunay na mahinahon, salita ng isang makata. Kailan ba namin huling nadinig na ginamit ang purong Tagalog? Marahil ay nuong bata pa nga si Sabel. Marami na ring hindi nakakakilala kay Sabel. Matagal na siyang naglaho. Maaaring pumanaw na rin. Tulad ng pagpanaw ng maraming katutubong Bulakenyo na walang ibang wikang nakagamayan kundi ang wika ni Balagtas.

Nakakalungkot isipin na maraming mga Bulakenyo ang hindi makapagbigkas ng pangungusap na walang kasamang salitang banyaga. Maraming kadahalinan at sa palagay naming pinakamalaki sa mga ito ay ang sariling kapabayaan ng mga Bulakenyo sa pagsasalita. Nakagawian ang pag-gamit ng mga salitang walang kabuluhan, salitang pang-lansangan, salitang inaakala ng marami ay mas magandang pakinggan kaysa tunay sa purong salitang Tagalog. Dahil dito ay nawala rin ang ating malasakit sa maraming bagay na tubong katagalugan, tulad ng balagtasan at bugtungan. Naglaho ang mga ito na parang bula, para ngang si Sabel, ni Kenkoy at ni Rosing, ni Lola Basyang, ni Joseng Batute, at marami pang iba.

Dahil dito, ilang Bulakenyo sa United Nations sa Vienna ang nagkaisa na buhaying muli ang salitang Tagalog na ginamit ng mga taong nabanggit sa itaas. Hindi namin layunin na pigilin kayo sa pag-aaral at pagsasalita ng wikang banyaga. Nais po lamang naming iwasan na maglahong tuluyan ang dalisay na Tagalog. Sa ganitong paraaan ay maaring mahilig tayong muli, lalo na ang mga kabataang Bulakenyo, sa tagisan ng talino sa pamamagitan ng balagtasan at bugtungan at pagkatha ng mga tula at awiting pangharana.

Sa kasalukuyan ay halos pasigaw ang usapan ng bawat Pilipino, hindi naiiba ang mga Bulakenyo. Maaari namang mag-usap ng mahinahon subalit hindi ito nangyayari. Subukan nating magsalita ng malinis na Tagalog at naniniwala kaming tayo ay magiging mahinahon.

Ang larawan ay pasimula at tunay na pinta sa langis ni Dik Castillo

Tunay na pagaari ng gumawa © 2007, Hiyas Ng Bulakan