Hiyas Ng Bulakan

Tahanan
Tungkol sa Amin
Makipag-Alam
Anong Bago!
Sumama na kayo
Pangasiwaan at Kaanib
Layunin
Ugnayan
Talaarawan ng Pangyayari

Ang Pasimuno: Cindy Valenzuela

13 Nobyembre 2007 - Isa na namang matagumpay na Biyernes ang ating nasaksihan noong Gabi ng Kundiman. Bagama't isang linggo lang nating pinaghirapan ang konsiyerto ni Abdul, alam kong walang sasalungat sa aking pasiya na itoý matagumpay at lahat ay nasiyahan. Ito po ay hindi magwawakas ng ganoon kung hindi sa malasakit at hirap at tulong ng lahat ng mga kasapi ng Hiyas.

Abut-abot ang aking pasasalamat sa inyong lahat lalong lalo na kay Lucille, sa kaniyang pagsikap na paggawa ng programa kahit inabot siya ng hatinggabi, sa kaniyang pagintindi na bumili ng Merci tsokolate bilang alay sa mga dumalo upang tapusin ang gabi ng kundiman, kay Henry sa kaniyang pag-imprenta at pagtupi ng mga programa, kay Godo para sa kaniyang pagganap na "bouncer"sa pinto ng simbahan, kay Dik, datapwa't may sakit, sa kaniyang walang pag-kapagod na manghingi ng mga abuloy, kay Loui, sa kaniyang walang kapagod-pagod na pagkalabit sa mga kuwerdas ng gitara, kay Roman, sa kaniyang walang kapagurang pagluluto upang mapawi ang kagutuman o dili kayaý paghimpil ng malaking pananabik para sa "ïtik ni Roman", kay Elpie para sa kaniyang pagayos na ganapin natin ang gabi ng kundiman sa simbahan at sa pagganap niya na taga-pambating pambungad at tagapagpakilala sa mga panauhing pangdangal, kay Pining, Thelma, Bodgie, Uly, Melanie, Gigi, Edgar at Zaldy sa kanilang walang kasawa-sawang pag-suporta sa Hiyas, at kay Lyn sapagkat tinaggap niya tayong lahat, dala na ang lahat ng mga bisita! sa kaniyang tahanan hanggang ala-una ng umaga! Ang mga iyan ang nakakapawi ng pagod na ibinigay natin sa proyektong ito. Ito rin ang nakakataba ng aking puso. Ito ang pagkakaibigan. Ito ang pagmamahal. Ito ang Hiyas.

Maraming salamat sa inyong lahat!


21 Septiembre 2007 - Noong pong nakaraang Biyernes, lima po lamang kaming nagsi-awit sa ilalim ng simbahan upang magsanay. Nahirapan kaming maghanap ng silid na "Junior Room" subalit natuloy din. Limitado din po ang aming na-ensayo sapagkat wala kaming titik ng mga awit. Naghanap kami ng mga awit mula sa mga aklat ng simbahan, marami kaming nahanap sa ating wika ngunit masyadong maka-simbahan at hindi nauukol para sa ika-20 ng Oktubre. Nanghiram si Katotong Elpie ng CD player at gitara. Nakinig kami ng mga awit mula sa isang CD ni Dik habang si Dik ay matiyagang sinulat ang mga liriko ng mga awit. Nagsimula ang kanta. May mga nagdala ng pula at puting inumin. May kasuy at iba pa. Nanghiram ng mga baso. Tungga. Nguya. Kanta. Halakhakan. Kwentuhan. Ensayong muli. Kantahan at pagandahan ng boses. Natapos. May nakatakdang awit na pambabae na solo at may halo halo, may panlalake na solo din at halo halo, gusot gusot baga?

Ang mga awitin:


21 Hunyo 2007 - Ito po ang kabuuan ng mga napagsunduan:

Nag-ambag ambag po ang samahan upang magkaroon ng "seed money". Mangyari lang po yuong mga wala kahapon na ibigay na lamang kay Ginang Pining Wagner ang euro 20 bawat isa. Ang euro 60 po ay ibabayad sa ANEA.

Ang "muse" po natin ay ang panganay ni Ginang Gloria Garcia Ramos. Ang ina na po ang gagawa ng "sash" na kinakailangan. Napagisahan na sumali ang samahan sa "parade". Sangayon dito, nararapat po tayong gumayak ng putting kamisa chino at pulang pantali sa leeg para sa parada at para na rin marahil sa araw na iyon. Nararapat din po na mayroon tayong bandila ng samahan.

Ang mga nakatakda sa araw ng Barrio Fiesta ay ang mga sumusunod: Dik, Pining, Aga, Rita, Roman, Michael de Jesus, Edgar, Cindy, Gigi, at Thelma Hugo Gotz (isa pang ampon ng samahan).

Kinakailangan natin ang "cooler". May tatlo na naka takda: Gigi, Aga at Cindy.

Mga nararapat na gawin pa:

1. Huwebes, 5 ng Hulyo - Malalaman ni Aga kung may kubol na mahihiram ang samahan
2. Alamin sa ANEA kung anong mga bagay na aabutan at magagamit sa Pellmangasse (hapag, papag, salumpuwit, elektrisidad, at saka iba pa)
3. Kailangang bumili ng papel pinggan, kubyertos, napkin, baso, at saka iba pa.
4. Aalamin kung saan nakakabili ng hielo - Dik, mula sa McD?
5. Biyernes, 13 ng Hulyo - Godo, Pining at Dik - sisimulan ang mga nararapat na gawin - kubol, at saka iba pa.
6. Sabado, 14 ng Hulyo - Mga gamit ni Dik na kailangang dalahin - palayok, mga gamit pang kusina at iba pa.
7. Nararapat na magdala ng mga sumbalilo, walis, at iba pang maka-Pilipino.

Ang gastusin sa mga niluto at binili ay maaaring makabig mula sa mga pinagbilhan ng pagkain. Kung may nalalabi, bigyan natin ng pansin ang panukala ni Ginoong Barrios na magbigay ng isang parol sa Pasko sa ngalan ng samahan.

Ang simula ng Barrio Fiesta ay ika alas nuebe at kalahati ng umaga. Ang misa ay madaling susunod.

Kung mayroon pa pong nakaligtaan, paki-alalahanan lang po kami.

Maraming salamat!


23 Hunyo 2007 - Ang mga sumusunod ang napagkasunduan sa hardin ni Walter/Dik para sa Barrio Fiesta:

I. Pagkaing Bulakeno
a) sitsaron galing San Miguel - Roman - OK
b) goto galing Plaridel - Dik/Pining - OK
k) dinuguan at puto - Edgar/Cindy - OK
d) tokwa at baboy - Gigi - OK
e) daing at sinangag - ??? - CANCELLED
g) palitaw - Dik - OK
h) bibingka - ??? - CANCELLED
i) sapin-sapin - Leth - OK
l) gulaman at sago - ??? - CANCELLED
m) sop drinks/beer/tubig/pineapple juice - c/o Cindy
n) biko - c/o Aga
o) turon - c/o Pining

II. Harana - Zardy/Melanie ??? - OK - Isasama natin ito sa maikling "skit" (nasa ibaba) upang lumabas na parang isang eksena ng skit ang harana.
III. Balagtasan - DIK/Elpie ??? - CANCELLED
Nararapat po bang ipamulat sa mga batang naisilang sa Austria ang ating wikang Pilipino? Sapagkat ang balagtasan at itong pangkat na ito ay napakalapit sa puso ng mga Pilipino dito sa Austria, ilalaan po natin ito sa ating susunod na proyekto.
IV. Tula - ??? - CANCELLED - Malat daw po si Aga
V. Maikling "skit" - ??? - OK

Cindy
     

Tunay na pagaari ng gumawa © 2007, Hiyas Ng Bulakan