
15 Nobyembre
2007 - Isang paanyaya sa isang pagtatanghal ng:
“Mga Larawan sa Tubig at Langis” ni Virgilio P. Castillo sa ika 15 ng Nobyembre 2007 (ika-6 at kalahati ng gabi) hanggang 23 Nobyembre 2007
(Lunes hanggang Biyernes: ika-11 ng umaga hanggang ika-6 ng hapon) na gaganapin sa
JMA Gallery, Neustiftgasse 123, A-1070 Vienna. [sunflowers,
pinta sa langis...] |
13 Nobyembre 2007 - Isa na namang matagumpay na Biyernes ang ating nasaksihan noong Gabi ng
Kundiman. Bagama't isang linggo lang nating pinaghirapan ang konsiyerto ni Abdul, alam kong walang
sasalungat sa aking pasiya na itoż matagumpay at lahat ay nasiyahan. Ito po ay hindi magwawakas ng
ganoon kung hindi sa malasakit at hirap at tulong ng lahat ng mga kasapi ng Hiyas.
[ang kabuuan...]
9 Nobyembre 2007 -
Kundiman sa paningin ng Hiyas ng Bulakan
ni Elpie Morales
Kung gayon, sa tuwing tayo ay makikinig ng kundiman, alalahanin natin na ito ay hindi lamang isang simbulo ng ating sariling wika at kultura, ito rin ay simbulo ng kalayaang
magkaroon ng sariling identidad o ng natataning tatak bilang mga Pilipino.
[ang kabuuan... ]
|
9
Nobyembre 2007 - Gabi ng Kundiman
Inihahandog ng Hiyas ng Bulakan sa tulong ng The Loved Flock
Tampok sina Abdul Candao at Aima Maria Labra-Makk
[ang kabuuan... ]
|
30 Octubre 2007
- Palatuntunan para sa Bunsod-Aklat, (Heart in Two Places - an immigrant's journey), ni Gng Gemma
Nemenzo, ika-30 ng Oktubre, ika-6 ng gabi, Silid Mozart, VIC Restawran
[ang palatuntunan...]
|
21 Septiembre
2007
Tungga. Nguya. Kanta.
Halakhakan. Kwentuhan.
Ensayong muli. Kantahan at pagandahan ng
boses. Natapos. May nakatakdang awit na
pambabae na solo at may halo halo, may
panlalake na solo din at halo halo, gusot
gusot baga?
[ang kabuuan...]
[Ikaw
ang Ligaya ko] [Ang
Pipit]
|
19 Septiembre
2007 - “Sabon,” tugon ni Fiona,
upang hindi daw bumaho ang kanyang kusina.
Inang ko, lalasunin mo kami. Ang adobo
maglalasang heno de pravia!
[ang kabuuan...]
|
5 Septiembre 2007 - “Ako ay pilay,
nauunawaan mo ba? Pilay, hindi bulag!”
nais kong isigaw subalit hindi ko naman
sinabi.
[ang kabuuan...]
|
10
Agosoto 2007 - Ang Itik ni Roman –
Ikalawang Kabanata.
“O, ibig mo bang magkaldereta ako ng itik
sa ating salu-salo sa Biyernes, para kay
Pining?” singit na tanong sa akin ni
Roman. Para akong biglang naalimpungatan
sa narinig.
[ang kabuuan...] |
2 Agosto 2007 - Ang Itik ni Roman.
"Dalawang lalaki pala at isang
inahing babae, wika ni Roman.
Ha?
Paano kaya niya nalaman. Mababa raw ang
puwit ng babae at nangangahulugang
nangingitlog na o malapit nang mangitlog.
Ganuon? Aba, e marami akong
kilalang babae na bagsak ang puwit!"
[ang kabuuan...] |
12 Hulyo 2007 - Pista sa Nayon
2007. Salamat at nairaos din ng
maluwalhati ang Pista sa Nayon sa Vienna,
Austria na ginanap nuong ika-14 ng Hulyo,
2007. Maluwalhati para sa mga pinuno at
ilang kasapi ng Hiyas ng Bulakan na
nagkaisang sumali bagama’t kapos na sa
panahon upang puspusang paghandaan ang mga
dapat isagawa para sa naturan na
pagdiriwang. [ang kabuuan...]
|
12 Hulyo 2007 - Naganap po ang pagsasanay, para sa palatuntunan ng Barrio Fiesta, na pinangunahan ni Ginoong Abdul Candao, Tenor (Vienna). Ang mga nagsidalo ay sila Cindy, Pining, Dik at Thelma. Nanduon din po si Loui (at Godo - umalis ng maaga). Ang sinanay na awitin ay 'Ako ang Nagtanim'. Maraming salamat po Abdul!
|
3 Hulyo 2007 -
Ito po ang kabuuan ng mga napagkasunduan sa pulong:
Nag-ambag ambag na po ang samahan upang
magkaroon ng "seed money". Mangyari lang
po yuong mga wala kahapon na ibigay na
lamang kay Ginang Pining Wagner ang € 20
bawat isa. Ang € 60 po ay ibabayad sa ANEA.
[ang kabuuan...]
|
23 Hunyo 2007 - Ang
Pagtitipon
Halos ika walo na ng gabi at ako ay tarantang taranta. May hinihintay akong panauhin para sa hapunan nang gabing iyon at hindi pa ako tapos sa mga dapat kong gawin. Kasalanan ko. Kung bakit kasi sumama pa akong manuod ng sine kay Cindy at Loreta....[ang kabuuan...] |
|
Tunay na pagaari ng gumawa © 2007, Hiyas Ng Bulakan
|